VOLTES V: ANG PAGBABALIK SA ASTIG AUTHORITY

Bali-balita na ang nalalapit na pagbabalik ng pinaka-iconic na mecha animè sa Pilipinas, at bilang ito nga ay iconic, maganda sana kung ito’y maipalalabas sa timeslot kung saan marami ang makakanood.

Suhestiyon ko lamang na sana ay ipalabas ito kapag natapos na ang The Producers dahil tiyak na magiging hit ito lalo na sa netizens na karamihan ay lumaking pinanonood ang Voltes V at nakakauwi ng bahay bago mag-alas sais.

Tutal matagal na rin mula nang nagpalabas ng animè ang GMA sa hapon at ang mga tao ay nais nang ibalik ito. Malay natin, matalo na rin sa wakas ng Kapuso Network ang hindi matibag-tibag na Pasion de Kanor este Amor ng ABS-CBN na halos hindi na nagpapalabas ng animè.

At sana kapag nag-hit itong Voltes V sa timeslot na iyon ay tuloy-tuloy na ang pagpapalabas ng GMA ng animè sa early primetime. Malay natin, mahawa rin nila ang kabila at ipalabas ang Naruto o Kuroko sa early primetime, hindi ‘yung maaga pa pero puro SPG na ang palabas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s