Fairy Tail on TV5, Isa Lamang Hoax

image

Nitong mga nakaraang araw ay kumalat sa social media sites ang umano’y pagpapalabas ng TV5 ng hit Japanese animè na Fairy Tail na matagal nang nasa bakuran ng GMA.

Dahil sa mga kumalat na balita ay naalarma ang mga Kapuso na tagahanga ng anime na ito. May ilan pang nabahala na baka masira lang ang dubbing nito ‘pag napunta sa singko dahil may mga lumabas ding balita na mga artista umano ang magiging dubber nito. Bukod pa sa hindi pagsama ng anime na ito sa omnibus plug ng Astig Authority block.

Pero iyon ay mariing pinabulaanan ng Facebook page ng Astig Authority na nagpost ng litrato na may nakalagay sa dulo ng caption na:

Fairy Tail is still a Kapuso.

Kaya naman marami ang nabunutan ng tinik sa dibdib at sa wakas ay natapos na ang maliit na issue na ito.

14 thoughts on “Fairy Tail on TV5, Isa Lamang Hoax

  1. Oh! Nakakita na nama ako ng fellow kababayan na anime fan sa WordPress. Nice.

    Anyway, hindi ako pamilyar dito sa issue na ito. Pero grabe pa rin ang pala ang competitiveness ng mga tv station sa pinas. Pati anime pag-aagawan. Nice.

    Liked by 1 person

      1. Pasensiya sa mga typo sa earlier comment ko, ha. ‘Yong phone ko kasi ang ginamit ko doon, laging may typo. Anyway, pinapalabas pa rin ba ang Dragon Ball hanggang ngayon? Anong Dragon Ball ang pinapalabas? ‘Yong Z or ‘yong latest one?

        Like

      2. Ooooh. Umaga. Walang makakanuod kundi mga maliliit na bata lang at mga tambay. Nasa school at trabaho karamihan ng mga tao. Mas maganda sana kung weekend or after school para marami ang makapanuod. Baka GMA pa rin ang makakuha ng mga latest adaptations kung sila pa rin ang may hawak ng Dragon Ball ngayon.

        Like

      3. Karamihan na rin kasi ng mga school sa metro manila at mga kalapit na probinsya ehhati sa dalawa ang schedule. May pang-umaga at panghapon kaya mataas pa rin rating ng animes ng GMA.
        Meron din sila sa weekend, pero magkahalong anime at cartoons.
        Siguro sila pa rin, ayaw ng kuya kong anime fan din na mapunta sa dos ang DBS kasi baka mababoy lang daw. Haha

        Liked by 1 person

      4. Oh? Hindi ko alam ‘yan ah. Interesting. Ahahaha! Bakit? Papalitan ba ng mga voice actors or ika-cut ang mga scenes ‘pag nailipat ng network ang Dragon Ball? Napaka-interesting lang talaga ng rivalry sa pagitan ng mga networks sa Pinas. Talagang matindi ang laban, pati anime nadadamay na, which is good I think. Kasi proof lang na sikat ang anime at marami rin ang fans na Pinoy, diba? Balita ko rin na marami na ring mga conventions at cosplay events sa Pilipinas. Galing.

        Like

      5. Yeah! Haha. Buhay na buhay ang anime community rito sa pinas. Pero wala pa kong napupuntahang convention. Madalas kasi sa MOA at Megamall ang venue eh medyo malayo dito sa lugar namin.

        Sobrang daming cut kasi pag sa ABS-CBN, ganun din naman sa GMA pero opening song at intro ng anime lang ang putol. Mas maganda pag sa TV5 napunta ang anime kasi kumpleto kaso more on western cartoons na palabas sa 5. Sayang

        Liked by 1 person

      6. I see. Bakit naman kaya maraming cut ang ABS? Eh di wala ka ng maintindihan kasi puro putol. Ahahah. I see. Anong mga Western cartoons? Like Spongebob, ganon?

        Like

      7. 15 minutes lang kasi ang runtime ng anime sa 2 tapos puro patalastad. Sa gma 25 minutes pero may 10minutes na commercial breaks bale 15 min lang ang content sa gma, sa 2 ewan baka 8 min lang haha.

        Disney at Boomerang cartoons sa 5

        Liked by 1 person

      8. What? 15 minutes tapos may palatastas pa? Ano ‘yon? 5-7 minutes lang. Ahahaha. Opening theme song lang ‘yan ah. Grabe. Hmmmm. 15 minutes, not bad I guess. Okay na rin, pero medyo parang bitin pa rin ah.

        Like

  2. Malaki ang tsansa na makuha ng TV5 ang Fairy Tail dahil VIVA na ang may ng entertainment programs ng TV5 at VIVA rin ang may hawak ng tagalized manga ng Fairy Tail. Pero nakakatuwa talaga yung casting dun pa lang mahahalata mo na.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s